Nagpaalala ang Philippine Embassy in France sa mga Pilipino tungkol sa mahigpit na pagbabawal sa pagsusugal at pagsasabong sa nasabing bansa.
Ayon sa Embahada, maaaring makulong nang hanggang tatlong taon at pagmultahin ng 45,000 euros ang sinumang mahuhuling nagsasagawa ng ilegal na aktibidad.
Hinimok naman ang Filipino community na sundin ang mga batas ng France at panatilihin ang magandang pangalan ng mga Pilipino sa bansa.
📸: Philippine Embassy in France


