“WE DO NOT ASK FOR CHARITY. WE ASK FOR URGENT ACTION”
Nanawagan ang Victory Liner Inc. at ilang grupo ng mga bus operator sa pamahalaan na alisin ang suspensyon sa fare increase kasunod ng muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa mga operator, umaabot na sa 45% hanggang 60% ng kanilang gastos sa operasyon ang fuel. Hindi na rin umano nakakasabay ang kasalukuyang pasahe sa patuloy na pagtaas ng diesel at gas.
Nagbabala na ang mga operator na maaaring mabawasan ang bilang ng bumibiyaheng bus kung mananatiling mababa ang pasahe kumpara sa kanilang gastos sa operasyon.
📸: Victory Liner / FB

