Nakararanas umano ng depression ang menor de edad na suspek sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, ayon sa PNP Region 12. Sinikap daw ng kaniyang mga magulang na ipagamot ang bata.
Sinusuri rin ng mga awtoridad ang sinasabing pagkakasangkot niya sa isang online group na may kaugnayan sa true crime at marahas na content.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy kung may naging impluwensya ang naturang online content sa pag-iisip at desisyon ng bata. | via Russel Musico


