PANGHOHOHLDAP SA NEGOSYANTE, SAPUL SA CCTV.
Huli sa CCTV ang aktuwal na pagnanakaw ng dalawang armadong lalaki sa isang negosyante na may-ari ng tindahan ng piyesa ng mga motorsiklo sa Mati, Davao Oriental, Lunes ng gabi, Setyembre 21.
Makikita sa video ang pagdating ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo. Lumapit ang mga suspek sa negosyante at tinutukan ng baril.
Matapos makuha ang kanilang pakay, tumakas ang dalawang suspek sa lugar. Humihingi ngayon ng tulong ang biktima sa pulisya upang agad na matukoy at mahuli ang mga suspek. | via Ely Dumabic
📽️: Ajd Motorparts


