Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa isang 13-anyos na Grade 8 student ang isang .38 calibre na baril sa loob ng isang paaralan sa Baguio City.
Ayon sa ulat, dinala umano ng estudyante ang baril sa paaralan at ipinakita sa mga kaklase. Pinagpasa-pasahan umano ito hanggang sa isang estudyante ang nag-report sa pamunuan ng paaralan.
Sinabi ng estudyante na nakita niya ang baril sa bodega ng kanilang bahay. Pag-aari umano ito ng kaniyang namayapang lolo na dating miyembro ng isang paramilitary unit. Paliwanag pa ng estudyante, walang laman na bala ang baril na dinala sa paaralan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang baril habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Isinailalim naman sa psychological intervention ang menor de edad.
📸: DepEd Baguio City High School file



