Nagsampa ang Bureau of Customs (BOC) ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa 14 na indibidwal, kabilang ang siyam na tauhan mismo ng BOC, kaugnay ng umano’y misdeclared na agricultural products sa Port of Subic.
Ayon sa BOC, umabot sa ₱17.5 milyon ang halaga ng mga puting sibuyas at carrots na idineklarang iba umano sa aktuwal na kargamento. Nasa preventive suspension na ang mga sangkot na tauhan ng BOC.
Magsasampa rin ang ahensya ng reklamo sa ilalim ng Anti-Agricultural Sabotage Act of 2024 dahil lumampas sa ₱10 milyon na threshold ang halaga ng kargamento.



