Nakumpiska ang isang folding knife mula sa isang Grade 8 student sa Marbel 7 National High School sa Brgy. Topland, Koronadal City.
Sa inisyal na ulat, nakuha ng mga awtoridad ng paaralan sa kanilang pag-inspeksyon sa mga bag ang berdeng folding knife.
Agad namang dinala ang estudyante sa guidance office para sa counseling at nararapat na intervention.
📸: Kap Terence Jay Ehimplar



