Apat katao ang nasawi habang anim ang nawawala matapos magdulot ng matinding pag-ulan at mga landslide ang Typhoon Dujuan sa Pacific coast ng Japan, ayon sa public broadcaster na NHK nitong Martes, Setyembre 22.
Kabilang sa mga nasawi ang isang babaeng nasa edad 60 matapos pasukin ng putik at debris ang isang bahay sa Yokosuka, Kanagawa.
Nagsagawa rin ng search and rescue operations sa Miura matapos tamaan ng landslide ang isang bahay.
Nagdulot din ng pagbaha ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Kanagawa at Chiba.
Samantala, humigit-kumulang 45,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa rehiyon, ayon sa Tokyo Electric Power Co., habang nagpapatuloy ang clearing at rescue operations sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.


