MAGKAPATID, NAGPAKALAT NG SCHOOL THREATS SA BATANGAS.
Posibleng maharap sa mabigat na kaso ang dalawang magkapatid na suspek sa pagpapakalat umano ng online threats sa mga paaralan sa Batangas.
Sa isinagawang search warrant operation kahapon, Setyembre 22, sa Lipa City, nakumpiska ang dalawang cellphone at isang tablet na nagpositibo umano na ito ang ginamit sa pagpapakat ng online threats na pagmamay-ari ng dalawang suspek.





Kabilang dito ang pagbabanta ng pambobomba, pangkikidnap sa mga bata, at pagpatay sa mga estudyante na siyang nagdulot ng takot at pangamba sa mga guro, estudyante, at mga magulang. | via Martin Banaag
📸: Lipa City CCPS



