Ipinaalala ng defense counsel na si Atty. Michael Poa na walang tumutol sa naging ruling ng Presiding Officer noong Hulyo 16 na ang kailangang boto para mahatulan sa impeachment trial ay 16.
Ayon kay Poa, walang nakasaad sa rules na maaaring hamunin o baguhin nang paulit-ulit ang ruling ng Presiding Officer.
Sinabi rin niyang kung maaari itong balikan, maaari ring muling buksan ang iba pang naunang ruling, kabilang ang pag-isyu ng subpoena para sa mga bank records at mga ruling sa bawat objection.
TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: https://www.youtube.com/watch?v=TmWyIWO8dvg



