Iginiit ng defense lawyer na si Atty. Michael Poa na hindi na dapat galawin ang bilang ng boto na kailangan para sa conviction sa impeachment trial.
Ayon kay Poa, ang 16 na boto ay nakasaad sa Konstitusyon at hindi basta piniling numero ng depensa. Aniya, may magiging epekto ang pagbaba ng threshold sa iba pang probisyon ng Saligang Batas.
Kabilang dito ang extension o pagbawi ng Martial Law, pagpapatalsik sa isang miyembro ng Senado, at pag-amyenda sa Konstitusyon.

