Normal na ulit ang operasyon ng LRT-2 ngayong Miyerkules, Setyembre 23, matapos maayos ang nasirang catenary wire malapit sa Antipolo Station.
Ayon sa LRT-2, muling bumiyahe ang mga tren mula Recto hanggang Antipolo Station mula kaninang 5:00 ng umaga.

