Inamin ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nagkamali siya nang sabihan niyang tinanggihan na ang asylum application ni Atty. Harry Roque.
Nilinaw ni Remulla na patuloy pa ring pinoproseso ang aplikasyon ni Roque. Karaniwang umaabot umano ng anim na buwan ang proseso ng asylum, ngunit siyam na buwan na itong inaasikaso ng mga awtoridad sa Austria.
Samantala, nagpasalamat naman si Roque kay Remulla sa pag-amin ng kaniyang pagkakamali.

