Idineklara ng Malacañang bilang special (non-working) days ang Nobyembre 16 hanggang 18 sa National Capital Region (NCR).
Layunin nitong mabawasan ang trapiko at matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na gaganapin sa bansa.
Ang Pilipinas ang napiling host ng 49th ASEAN Summit ngayong taon.

