Posibleng lumakas ang El Niño bago matapos ang 2026, ayon sa PAGASA.
Batay sa climate models, maaaring magpatuloy ang El Niño hanggang unang bahagi ng 2027. Maaari itong magdulot ng dry spells at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa, habang posible rin ang malalakas na pag-ulan sa maikling panahon, lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.

