Iginiit ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na walang hawak na business interest sa GenCorp Industries Inc. si Vice President Sara Duterte mula nang maupo ito bilang Bise Presidente noong 2022.
Ayon kay Mayor Baste, hindi lumalabas ang pangalan ni VP Sara Duterte o “Duterte” sa mga opisyal na dokumento ng GenCorp para sa mga transaksyon. Iginiit din niyang dumaan sa procurement rules ang 19 na kontrata ng kumpanya sa Davao City government na nagkakahalaga ng ₱33.26 milyon.
Paliwanag pa ng alkalde, sa mga kontrata, 13 ang nakumpleto na habang anim ang ongoing. Apat ang iginawad sa pamamagitan ng competitive public bidding at 15 naman sa small value procurement.
📸: PNA

