Iginiit ni Senator-judge Robin Padilla na hindi dapat pagbotohan ang mosyon kaugnay ng conviction threshold sa impeachment trial.
Inungkat ni Padilla ang naging debate noon sa paggamit ni Presiding Officer Chiz Escudero sa salitang “forthwith” sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Padilla, dapat pareho ang paraan ng pagbasa at interpretasyon sa mga binibitawang salita sa Konstitusyon, anuman ang usaping pampulitika. Iginiit din niyang walang dahilan para amyendahan ang anumang bahagi ng Saligang Batas.



