"ALAM NIYO NAMAN KUNG ANONG GINAGAWA SA MINORITY."
Nilinaw ni Senator-judge Imee Marcos na ngayong araw lamang pinili ng minority na hindi na bumalik sa session at hindi bumoto kaugnay ng pagbabago sa vote threshold.
Paliwanag naman ng senadora na dadalo pa rin sila sa mga susunod na pagdinig.
Sinabi rin ni Sen. Marcos na ginigipit ang minority ngunit nananatili ang kanilang paniniwala na dapat kilalanin ang Konstitusyon at sundin ang Saligang Batas.
📽️: Arnel Verdan Jr.


