KLASE SA DAVAO DEL SUR, BINULABOG NG ONLINE THREATS.
Nagpuntahan ang mga magulang sa Sulop National High School sa Davao del Sur matapos kumalat sa social media ang isang seryosong online threat laban sa paaralan ngayong Miyerkules, Setyembre 23.
Agad nagtungo ang mga magulang sa gate ng paaralan upang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga anak.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at LGU upang matukoy at mapanagot ang nasa likod ng naturang online threat. | via Ely Dumaboc
