Nahatulan ng International Criminal Court (ICC) ang dating general ng Seleka militia sa Central African Republic na si Mahamat Said Abdel Kani ng crimes against humanity, kabilang ang torture.
Ayon sa mga prosecutor, pinamunuan umano ni Said ang isang kulungan kung saan binubugbog at tinotorture ang mga pinaghihinalaang tagasuporta ng dating Pangulong Francois Bozize. Itinanggi naman niya ang lahat ng paratang.



