Binawi ng Kamara ang ruling nito na nagdeklarang “out of order” sa motion for reconsideration ni Navotas lone District Rep. Toby Tiangco na muling buksan ang deliberasyon ng budget ng House of Representatives nitong Setyembre 17.
Inaprubahan ito noong Miyerkules matapos magsumite si Tiangco ng motion for reconsideration noong Lunes. Bago ang desisyon, nagkaroon ng palitan ng argumento ang mambabatas at si Deputy Speaker Janette Garin tungkol sa rules sa motion for reconsideration.
Ayon kay Garin, maaari lamang itong ihain ng miyembrong bumoto kasama ng majority.
Samantala, sinabi ni Tiangco na kahit muling buksan ang deliberasyon sa budget, maaari pa rin itong hindi maaprubahan dahil nakadepende ito sa boto ng majority.



