Napagdesisyunan ng Senate impeachment court na ibaba sa 14 na boto ang kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Sa botong 13 pabor, isang tumutol, at anim na hindi lumahok, napagdesisyunan ng senator-judges na hindi isasama sa bilang ang mga senador na hindi legal o pisikal na makalalahok sa impeachment proceedings.
Dahil dito, 20 senador na lamang ang pagbabatayan sa botohan, kaya 14 na boto ang kailangan.
Taliwas ito sa naunang ruling ng korte noong Hulyo 6 at nakasaad sa Konstitusyon, na nagtakda ng 16 na boto para mahatulan ang isang impeachable official. Ito ay katumbas ng two-thirds ng 24 na miyembro ng Senado.

