Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang legal na basehan ng pagharap ni Dizon sa Senado dahil lumampas na ang termino ng appointment ni Dizon bilang acting Secretary.
Ayon kay Marcos, nakasaad sa 1987 Administrative Code na hindi dapat lumampas sa isang taon ang temporary designation. Itinalaga si Dizon bilang acting Secretary noong Setyembre 1, 2025.
Sinabi naman ni Dizon na hihingi siya ng paglilinaw sa Office of the President tungkol sa status ng kaniyang appointment.

