Nilinaw ng Kamara at DICT na hindi ipinatawag ng Kongreso si Meta CEO Mark Zuckerberg para humarap sa plenaryo.
Ayon kay Rep. Brian Poe Llamanzares, walang resolusyon ang Kamara na nag-utos o nag-imbita kay Zuckerberg o sa Meta. Inalis din ng DICT ang naunang pahayag nito matapos magkaroon ng kalituhan sa usapin.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng DICT sa Meta at iba pang online platforms para sa mas ligtas na paggamit ng internet, lalo na ng mga bata.

