Nagkaroon ng false alarm sa isang unibersidad sa Tagbiliran City, Bohol nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 24, matapos mapagkamalang putok ng baril ang sunod-sunod na pagsabog ng lobo.
Kinumpirma naman ng mga awtoridad na walang naganap na pamamaril o anumang banta sa seguridad.
Sa imbestigasyon, napag-alamang nagsagawa ng balloon-popping activity ang mga 1st year Human Resource Management student.
Dahil sa insidente, nabulabog ang ibang mga estudyante at mga guro kaya agad silang nagkulong sa mga classroom at pinatay ang mga ilaw bilang pag-iingat.


