Nahuli sa Baliwag, Bulacan ang isang 49-anyos na babae matapos umanong mabudol ang isang 76-anyos na magsasaka at matangay ang ₱30,000 nito.
Ayon sa pulisya, nagpakilala ang dalawang suspek bilang mag-asawa at kakilala ng anak ng biktima. Inalok umano nila ang matanda ng $200 bilang sorpresa, bago hingin ang dala niyang ₱30,000 para raw pagsamahin. Nang ibalik na sa bulsa ng biktima ang pera, pinalitan na ito ng mga nakatuping papel.
Isinakay pa ng mga suspek ang matandang biktima sa isang SUV at nang ibaba na ang biktima saka nila pinaharurot papalauyo ang sasakyan. Natunton ng pulisya ang sinakyang SUV ng mga suspek sa isang hotel at naaresto ang babaeng suspek. Tinutugis pa ang kaniyang kasabwat na lalaki, habang nahaharap sa kasong estafa ang naarestong suspek. | via Jim Tejano

