Nahuli ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang indibidwal na may kaugnayan umano sa insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, kung saan tatlong estudyante ang nasawi.
Tiniyak ng ahensya na patuloy nilang mino-monitor ang mga nihilistic violent extremist (NVE) network na posibleng nakaimpluwensya sa mga kabataang sangkot sa school shooting.
Bukod dito, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na may isang hinihinalang “groomer” ang naaresto sa Cebu. Hindi pa malinaw kung may kaugnayan ito sa tatlong school shooting.
