Ni-lift ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ban sa Discord, wala pang 24 oras matapos itong ipatupad, kasunod ng pag-uusap ng mga ahensya at mga opisyal ng platform tungkol sa safety ng mga bata.
Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga naapektuhan ng pansamantalang ban. Umani ito ng batikos dahil naapektuhan ang mga lehitimong gumagamit ng platform kabilang ang mga nagtatrabaho online.

