Nasawi ang isang 36-anyos na freelance lineman matapos makuryente habang nagkakabit ng Wi-Fi cable sa isang poste sa tapat ng Tanza Public Market sa Tanza, Cavite.
Sapul sa CCTV ang biglang pagkislap sa paligid nang madikit ang biktima sa live wire. Kasunod nito, nahulog siya mula sa poste at bumagsak sa kalsada.
Agad siyang nirespondehan ng mga awtoridad at isinugod sa ospital, pero kalaunan ay namatay din. | via Jim Tejano