Nasungkit ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa 20th Asian Games matapos makakuha ng 14.66 puntos at manguna sa men’s floor exercise finals nitong Huwebes, Setyembre 24.
Ito ang unang gold medal ng bansa bukod sa isang silver at apat na bronze mula sa iba’t ibang mga laro sa international multi-sport event.
