Huling namataan ang Bagyong Queenie sa layong 1,065 km Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, may dala itong hangin na 75 km/h at pagbugsong umaabot sa 90 km/h.
Sa forecast track, patuloy itong kumikilos pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 km/h, papalayo ng Philippine area of responsibility (PAR). Inaasahang tuluyang lalabas ito ng PAR sa Linggo, Setyembre 27 o Lunes ng umaga, Setyembre 28.



