May ₱311.4 bilyong pondo umano para sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na hindi pa nailalabas ng national government, ayon kay Bataan Rep. Albert Garcia.
Sa halagang ito, ₱199.44 bilyon ang sinabing hindi pa naia-appropriate mula sa mandatory funding, kabilang ang ₱133.22 bilyon mula sa sin tax collections at ilang bilyon pa mula sa iba't ibang ahensya. May ₱112.04 bilyon din umanong na-appropriate na ngunit hindi pa nailalabas.
Ibinahagi ito ni Garcia habang tinatalakay sa Kamara ang 2027 budget para sa health sector. Sa 2027 budget proposal, ₱74.45 bilyon ang nakalaan para sa PhilHealth, mas mababa sa ₱376 bilyong hiningi ng state insurer.

