Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagtatakda na sa taong 2028 gaganapin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12326, itinakda rin sa limang taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan. | via Madelyn Villar-Moratillo



