Kasama sa mga naaresto sa New York ang Hollywood star na si Susan Sarandon at “Hacks” actress na si Hannah Einbinder habang binubuwag ng pulisya ang mga nagoprotesta laban kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Mahigit 100 katao umano ang nahuli matapos magsagawa ng mass sit-in ang mga nagpoprotesta sa labas ng United Nations.
Ayon sa New York Police Department, ilang beses binabalaan ang mga kalahok na umalis dahil hinaharangan nila ang isang intersection ngunit hindi umano sila sumunod.
Organisado ng Jewish Voice for Peace ang protesta na nananawagan na itigil ang digmaan ng Israel at Gaza.



