Nagpaalala ang global leading companies at mga eksperto ng artificial intelligence (AI) sa United Nations Security Council tungkol sa mga posibleng panganib ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya.
Nanawagan naman si Anthropic CEO Dario Amodei sa global leaders na magtulungan upang mapangasiwaan ang AI, dahil maaari umano itong magdulot ng panganib kapag hindi maayos na napamahalaan.
Iginiit din ng mga eksperto na kailangan ang global cooperation upang matugunan ang posibilidad sa hinaharap na maging mahirap kontrolin ang mga sistemang ito na patuloy na umuunlad.



