Hihingi ng tulong ang CNN, MS NOW, at Politico sa isang federal judge sa Washington na agad ibalik ang kanilang access sa White House matapos silang pagbawalan ni U.S. President Donald Trump.
Iginiit ng tatlong news outlet na nilabag ng ban ang First Amendment protections para sa freedom of speech at free press, gayundin ang kanilang karapatan sa due process.
Samantala, sinabi ng U.S. Justice Department na pribilehiyo at hindi karapatan ang access sa White House at iginiit na may awtoridad ang presidente na suspendihin ang access ng mga news organization.
Sa pagdinig, sinabi ni U.S. District Judge Timothy Kelly na may mga legal precedent na nagbibigay ng due process sa mga mamamahayag bago bawiin ang kanilang White House press passes.



