Hiniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na huwag tanggapin ang naunang testimonya ni witness P-1100.
Kasunod ito ng kahilingan ng prosecution panel na gamitin ang kaniyang testimonya sa kaso ni Duterte na may kaugnayan sa crimes against humanity.
Ayon sa depensa, kulang ang personal na kaalaman ng witness sa ilang mahahalagang pangyayari. Hindi rin umano sapat ang kaniyang testimonya para suportahan ang mga alegasyon laban sa dating pangulo.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis ni Duterte sa Nobyembre 30.



