Kinilala ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. si Police Senior Master Sergeant Shelvib Cabug na nasawi matapos sagasaan ng sasakyan sa checkpoint habang on duty sa Jimenez, Misamis Occidental.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pamilya ni Cabug.
Ayon kay Nartatez, tinatanaw ng PNP ang sakripisyo ni Cabug na nagbuwis ng buhay habang ginagampanan ang kaniyang tungkuling protektahan ang mga mamamayan at isulong ang kapayapaan at kaayusan. | via Vic Somintac



