Tinawag ni Atty. Paolo Panelo na “lokohan” ang desisyon ng Senate impeachment court kung saan dapat ang mga senador ay personal na dumalo sa huling araw ng trial para bumoto sa paghatol kay Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Panelo na malinaw sa Konstitusyon ang two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado para sa conviction. Dahil dito, posibleng dalhin ng kampo ni VP Sara sa Korte Suprema ang usapin.



