BABALA: SENSITIBONG BALITA
Dead on the spot ang isang 15-anyos na lalaki at 41-anyos na babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Quirino Highway, Brgy. 181, North Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon, pasakay umano ng jeep na biyaheng Malaria ang babaeng biktima nang mangyari ang pamamaril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspek at motibo sa krimen. | via Jim Tejano



