Tiniyak ng kampo ni Vice President Sara Duterte na gagawin nila ang lahat ng legal remedies kasunod ng desisyon ng Senate impeachment court na ibaba ang bilang ng boto para mahatulan ang Bise Presidente.
Ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa, posibleng dalhin nila sa Korte Suprema ang usapin at humingi ng temporary restraining order (TRO). Iginiit ni Poa na dapat manatili sa 16 na boto ang threshold para sa conviction, alinsunod sa naunang ruling sa impeachment trial noong Hulyo 6.
Aniya, ang pagbabago ng threshold sa gitna ng paglilitis ay maaaring magdulot ng usapin sa due process. Wala pang itinakdang petsa ang defense team sa posibleng paghahain ng petisyon dahil kailangan muna nila itong pag-usapan kasama si Vice President Sara Duterte.



