Huling namataan ang Bagyong Surigae (International Name) sa layong 1,500 km Silangan ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, may taglay itong hangin na 75 km/h at pagbugsong umaabot ng 90 km/h. Kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.
Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong umaga at tatawagin itong Bagyong “Queenie.”


