"SHE ASKS FOR NOTHING SPECTACULAR FROM THIS COURT ONLY THE MOST ESSENTIAL AND BASIC GUARANTEES DUE TO EVERY INDIVIDUAL, FAIRNESS AND IMPARTIALITY."
Nagbigay ng manifestation si lead defense counsel Atty. Sheila Sison matapos baguhin ng impeachment court ang 16-vote threshold para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa ika-29 araw ng impeachment trial kahapon, Miyerkules, Setyembre 23.
Iginiit ni Sison na hindi umiiwas sa pananagutan o kinatatakutan ni VP Sara ang magiging resulta ng impeachment trial. Aniya, ang hinihingi lamang umano ng panig ng depensa ay ang pagiging patas at walang kinikilingang paglilitis.
Sinabi rin niyang nakalaan sa panig ng Bise Presidente ang karapatang gamitin ang lahat ng legal na hakbang na ayon sa batas at Konstitusyon.


