Nasawi ang isang pulis matapos salpukin ng sasakyan habang nagsasagawa ng checkpoint sa Jimenez, Misamis Occidental.
Naka-uniporme at reflective vest ang 47-anyos na pulis nang salpukin ng Mitsubishi Xpander na mabilis umano ang takbo at lumampas sa mga barrier ng checkpoint.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit pumanaw rin kinabukasan. Dinala naman sa kustodiya ng pulisya ang 60-anyos na retiradong sundalo na driver ng sasakyan at iniimbestigahan ang posibilidad na nakainom ito nang mangyari ang insidente. | via Avelino Baclaan



