Iginiit ni Senador Rodante Marcoleta na hindi dapat manipulahin ng internal rules ng Senado ang malinaw na isinasaad ng Saligang Batas, lalo na sa proseso ng impeachment.
"Gumamit ng payak at malinaw na salita ang mga bumalangkas ng pinakamataas na batas ng ating bansa para maiwasan ang pamumulitika at mapangalagaan ang integridad ng proseso ng impeachment. Higit sa lahat, hindi puwedeng baguhin, palawakin o balewalain ng isang internal rule ng Senado ang malinaw na utos ng ating Saligang Batas.”
Ayon kay Sen. Marcoleta, gumamit ng mga payak at malinaw na salita ang mga bumalangkas ng Saligang Batas upang maiwasan ang pamumulitika at mapangalagaan ang integridad ng impeachment process, kung kaya't ito na ang dapat na maging interpretasyon dito.
“A spring cannot rise higher than its source,” na ipinaliwanag niyang walang internal rule ng Senado ang maaaring manaig o pumalit sa Saligang Batas.
Samantala, ang Facebook page ng senador ay mina-manage ng mga awtoridasong tauhan nito.



