Inanunsiyo ng Far Eastern University (FEU) Manila sa kanilang Facebook page na ligtas nang bumalik sa normal na operasyon ang campus at magpapatuloy ang klase ngayong Huwebes, Setyembre 24.
Matatandaang, sinuspinde ang mga klase sa unibersidad nitong Miyerkules, Setyembre 23, kasunod ng natanggap na bomb threat.
Agad na nagsagawa ng security check ang mga awtoridad ngunit walang nakitang bomba o anumang mapanganib na materyal sa campus at paligid nito.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng banta.


