NEWS UPDATE: Nilinaw ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na ang 24-hour extension ay ipinagkaloob lamang sa Reddit at hindi nito sakop ang Discord.
Ayon sa CICC, nabigyan ng extension ang Reddit matapos makipagpulong online ang mga opisyal nito sa ahensya sa loob ng itinakdang 24 na oras at talakayin ang mga commitment para sa online child safety.
Samantala, wala pang extension na ipinagkaloob sa Discord habang hinihintay ang direktang pag-uusap at konkretong commitment ng platform sa mga requirement ng CICC.
Patuloy ding sinusuri ng mga awtoridad ang Discord kaugnay ng presensya ng extremist communities sa platform, kabilang ang mga grupong iniuugnay sa radicalization at recruitment sa mga menor de edad.



