Pansamantalang isinara ang Colosseum sa Rome, Italy ngayong Huwebes, Setyembre 24 kasunod ng pagkamatay ng isang trabahador habang nagtatrabaho sa loob ng gusali.
Kinilala ang nasawi na isang 22-anyos na technician na nahulog habang naglalagay ng bagong lighting system.
Dahil sa insidente, suspendido rin ang lahat ng maintenance at construction work sa Colosseum habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.



