CHINESE NATIONAL, TIMBOG SA PAMEMEKE NG PREMIUM RICE.
Arestado ng PNP-CIDG ang isang Chinese national sa Bulacan, kasama ang kaniyang secretary dahil sa pamemeke ng mga sako ng premium rice.

Nasamsam sa mga suspek ang mga pekeng sako ng premium rice na tinatayang nagkakahalaga ng ₱800,000. Ayon sa mga awtoridad, posibleng nakompromiso ang kalidad ng bigas na naibenta sa mga rice retailer kung nagamit na ang mga pekeng sako.


Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines at Section 168 kaugnay ng unfair competition. | via Vic Somintac


📸: PNP-CIDG



