Nanguna ang Meta Muse at nilagpasan nito ang ChatGPT bilang leading free AI app sa Apple App Store at Google Play Store sa Estados Unidos at Canada matapos itong ilunsad.
Ang Muse ay isang AI agent na maaaring gamitin sa pagkumpleto ng tasks gaya ng shopping, travel-booking, at pag-fill out ng forms. Ayon sa Sensor Tower, umabot na sa 2.8 milyon ang downloads nito sa loob ng dalawang linggo.
Kasabay ng pagtaas ng Muse users, nabahala naman ang ilang investor sa posibleng epekto nito sa iba't ibang sektor gaya ng finance, travel, fitness, at online services.


